Election returns sa lahat ng polling precincts, ilalagay sa website ng Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2016 - 09:04 AM

electionIlalagay ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang website ang lahat ng election returns na magmumula sa nasa 90,000 mga polling precincts sa May 2016 election.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista ang mga election returns ay manggagaling sa mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa lahat ng polling precincts nationwide.

Para mas maging transparent at maging accessible sa lahat ang mga election returns, ipo-post ng Comelec ang mga ERs sa kanilang website.

Sa mga nasabing ERs makikita ang resulta ng naging botohan sa bawat polling precinct.

Una nang hiniling ni dating Comelec Commissioner Gus Lagman ang paglalagay ng ERs sa website para may pagkakataon aniya ang lahat na mag-tabulate at i-verify kung ang tama ang magiging official result base sa bilangang gagawin.

Kung maisasakatuparan, lahat ng may access sa internet, kasama na ang mga ordinaryong botante ay magkakaron ng pagkakataong makita ang resulta ng botohan sa mga presinto.

TAGS: election returns to be posted on Comelec website, election returns to be posted on Comelec website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.