LOOK: Baby Owl nailigtas ng mga tauhan ng NCRPO sa Batangas

Nailigtas ng mga tauhan ng NCRPO Regional Mobile Force Battalion ang isang baby owl habang sila ay naka-deploy para tulungan ang mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ang kwago ay nakita ng NCRPO-RMFB habang sila ay nagsasagawa ng mobile patrol monitoring sa kahabaaan ng Tanauan, Talisay Road.

Sugatan ang kwago at hinang-hina nang kanilang matagpuan.

Agad dinala ang kwago sa Advance Command Post ng NCRPO sa Sto. Tomas, Batangas kung saan biniggyan ito ng makakain at tubig.

Pinangalanan namang ‘Tala’ ang baby kwago.

Ginawan ito ng pansamantalang matitirahan at nakatakdang iturn-over sa proper authorities.

Read more...