Volcanic earthquakes patuloy na naitatala sa Taal Volcano sa nakalipas na magdamag
Nakapagtala lamang ng pitong mahihinang volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa nakalipas na magdamag.
Sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, simula kahapon ng umaga hanggang ngayong umaga ay nakapagtala ng pitong volcanic earthquakes pero hindi naman naramdaman ang mga ito.
Simula naman noong Jan. 12 ay umabot na sa 176 ang bilang ng mga naitalang volcanic earthquakes sa Taal at 176 dito ang naramdaman.
Ayon sa Phivolcs ang mga naitatala pang pagyanig ay indikasyon na nagpapatuloy ang mamatic intrusion sa loob ng bulkan.
Sa nakalipas na magdamag ay nagkaroon ng mahina hanggang katamtamang pagbubuga ng abo sa bulkan na ang taas ay umabot ng 50 hanggang 500 meters.
Nananatili namang nakataas ang Alert Level 4 sa Taal Volcano na nangangahulugang maari pa ring magkaroon ng hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.