Saudi Arabia nilinaw na wala pa silang kaso ng novel coronavirus
Nilinaw ng Ministry of Health (MOH) ng Saudi Arabia na wala pang kaso ng novel coronavirus sa kanilang bansa.
Ito ay matapos ang ulat na isang residente ang nagpositibo sa naturang virus na nagsimula sa Wuhan City, China.
Ayon sa Saudi Arabia MOH nitong mga nakalipas na araw ay kaso ng MERS Coronavirus ang kanilang minomonitor sa bansa at hindi novel coronavirus.
Pinakahuling binabantayan ay ang isang 40 anyos na lalaki mula sa Riyadh ang nagpositibo sa MERS.
Isa ring babaeng health worker mula sa Abha City ang nagpositibo rin sa MERS at ngayon ay under investigation.
Sinabi ng Saudi Arabia na nananatili silang novel coronavirus free at anumang update ay kanilang ibinabahagi sa website ng MOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.