Mga Pinoy sa Hong Kong pinag-iingat sa coronavirus
Itinaas na ng health department sa Hong Kong ang ‘serious alert’ matapos makapagtala ng mga kaso ng novel coronavirus,
Sa abiso ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong, dalawa ang nakumpirma nang kaso ng novel coronavirus.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga pinoy na maging maingat upang maiwasan na mahawa sa sakit.
Para makaiwas sa sakit sinabi ng konsulada na dapat panatilihing malinis ang paligid at pangangatawan.
Lagi ding maglinis ng kamay gamit ang sabon at tubig.
Gumamit ng sanitizer at alcohol.
Takpan ng tissue o panyo ang ilog at bibig kapag uubo o babahin.
Iwasan ang matataong lugar at magsuot ng surgical mask.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.