VFA at visa ni Dela Rosa walang koneksyon sa isa’t isa ayon kay Sen. Lacson

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2020 - 06:07 AM

Tinawag na ‘unfortunate’ at ‘unnecessary’ ni Senator Panfilo Lacson ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Reaksyon ito ni Lacson sa banta ng pangulo na kanselahin ang VFA matapos ipawalang-bisa ng Amerika ang US Visa ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ayon kay Lacson, ang visa ay conditional authorization na ibinibigay ng isang bansa sa mga bumibisitang dayuhan.

Maari aniya itong maipagkaloob at maari ding kanselahin ng bansang nagbigay.

Habang ang VFA ay isang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng US na sumailalim sa masusing diskusyon bago na ratipikahan ng senado.

Dahil dito, ayon kay Lacson, malinaw na walang kuneksyon sa isa’t isa ang isyu ng pagkansela sa visa ni Dela Rosa at ang usapin hinggil sa VFA.

Sa kaniyang banta, binigyan lang ng pangulo ang US ng isang buwan para baligtarin ang pagkansela sa US visa ni Dela Rosa dahil kung hindi ay ite-terminate umano niya ang VFA.

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, panfilo lacson, PH, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, VFA, Visiting Forces Agreement, Inquirer News, News in the Philippines, panfilo lacson, PH, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, VFA, Visiting Forces Agreement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.