Lima nasagip sa sinalakay na sex den sa San Juan

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2020 - 05:35 AM

Nasagip ang limang katao sa sinalakay na spa sa San Juan City na ginagawang sex den.

Isinagawa ng mga tauhan ng San Juan Police kasama si Mayor Francis Zamora sa Zara Welless Spa Massage and Skin Care na nasa N. Domingo Street sa lungsod.

Ayon kay Pol. Col. Jaime Santos ng San Juan Police, batay sa isinagawa nilang surveillance ay natuklasang nag-aalok ng extra service ang spa.

Kabilang sa nasagip ang isang babae, isang lalaki at isang miyembro ng LGBT na trabahador ng spa.

Sa ikinasang operasyon, naaktuhan pa ang isang babae habang nakikipagtalik sa isang customer.

Agad namang ipinasara ni Zamora ang naturang spa.

Ayon kay Zamora, pangalawang pagkakataon na ito na mayroon silang naipasarang spa sa lungsod dahil sa pag-aalok ng extra service sa kanilang mga kliyente.

Pinaghahanap na ng mga otoridad ang may-ari ng spa na mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, police report, Radyo Inquirer, san Juan, Sex den, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, police report, Radyo Inquirer, san Juan, Sex den, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.