M3.2 na volcanic earthquake naitala sa Laurel, Batangas

Niyanig ng magntude 3.2 na volcanic earthquake ang bayan ng Laurel sa lalawigan ng Batangas.

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 9 kilometers northwest ng Laurel alas 2:12 ng madaling araw, Biyernes (Jan. 24).

May lalim na 2 kilometers lamang ang lindol.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng naturang pagyanig.(END/DD)

Read more...