WATCH: Mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal, nanghuhuli ng isda para ibenta at gawing ulam

By Erwin Aguilon January 23, 2020 - 09:55 PM

Nanghuhuli ng isda ang ilang residente ng Taal, Batangas sa Pansipit River para kumita matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa magpinsang sina Romnick at Kevin, ito ang kanilang paraan upang kahit papaano ay kumita para sa kanilang pamilya.

Ilan sa mga nahuhuling isda ay ibinebenta sa halagang P100 bawat tuhog habang ang iba naman ay ginagawang ulam.

Narito ang buong report ni Erwin Aguilon:

TAGS: Batangas, pagsabog ng Bulkang Taal, Pansipit River, taal, Taal Volcano eruption, Batangas, pagsabog ng Bulkang Taal, Pansipit River, taal, Taal Volcano eruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.