Pangulong Duterte nagbantang kakanselahin ang VFA sa US kung hindi itatama ang visa ni Sen. Dela Rosa
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos na kakanselahin ang Visiting Forces Agreement (VUA) kung hindi itatama ang visa ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Sa talumpati sa idinaos na seremonya sa San Isidro Civic Center (SICC) sa San Isidro, Leyte nagbigay ng babala ang pangulo matapos kanselahin ang US visa ng senador.
Ayon sa pangulo, bibigyan lamang ang Amerika ng isang buwang palugit.
Noong Miyerkules, kinumpirma ni Dela Rosa na kinansela ang kaniyang US visa.
Pinayuhan lamang ang senador na mag-reapply para makakuha ng panibagong US visa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.