Pangulong Duterte, hindi dadalo sa US-ASEAN summit

Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa United States-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Las Vegas.

Sa panayam ng isang Russian media outlet, sinabi ng pangulo na tinanggihan niya ang imbitasyon ni U.S. President Donald Trump.

Ibinahagi rin ng pangulo na dati na siyang inimbitahan ni dating U.S. President Barrack Obama na dumalo ngunit hindi siya pumunta.

Inalala ng pangulo na noong pangulo pa si Obama ng Amerika, tinuligsa nito ang kampanya kontra sa ilegal na droga sa Pilipinas.

Aniya, dapat inisip ni Obama na pinuno rin siya ng isang bansa at dapat ipinarating nito ang usapin sa tamang paraan.

Gaganapin ang US-ASEAN Summit sa Las Vegas sa buwan ng Marso.

Read more...