Amihan, Easterlies makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa – PAGASA

By Angellic Jordan January 23, 2020 - 06:26 PM

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Bahagyang humina ang epekto ng Northeast Monsoon o Amihan.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, bunsod ito ng maninipis na kaulapan sa bahagi ng Luzon.

Magiging maaliwalas naman aniya ang lagay ng panahon sa Luzon maliban na lamang sa mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Mayroon din aniyang namataang cloud cluster sa Silangang bahagi ng Visayas region.

Dahil dito, iiral din aniya ang Easterlies sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, sinabi ni Ordinario na makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may isolated rain sa Batangas, Cavite at Laguna.

Kung aabot aniya ng 5 kilometro pababa ang taas ng ibinubugang abo ng Bulkang Taal, makakaapekto ito sa mga munisipalidad sa Kanluran at Hilagang Kanluran ng Taal.

Kung aabot naman ng 7 kilometro pataas, maaapektuhan nito ang Kanlurang bahagi ng Laguna at Quezon.

Tiniyak naman ni Ordinario na wala pa ring inaasahang bagyo o anumang weather disturbance na mabubuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

TAGS: amihan, easterlies, Northeast monsoon, Pagasa, amihan, easterlies, Northeast monsoon, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.