Malakanyang, hindi nabahala sa pagbagal sa GDP growth

By Chona Yu January 23, 2020 - 03:20 PM

Ipinagkibit-balikat lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot lamang sa 5.9 percent ang growth domestic product (GDP) noong 2019 na pinakamabagal na paglago ng ekonomiya sa loob ng walong taon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kumpiyansa pa rin ang Palasyo sa kakayahan ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil
magagaling ang mga ito para makamit ang 6 hanggang 6.5 percent na GDP growth

“I think we have competent economic managers, they’re doing their job very well,” ani Panelo.

Paliwanag pa ni Panelo na nagawa na noon ng economic managers ng pangulo ang inflation rate na umabot sa 6.4 percent noong August 2018.

“Because they are very competent, remember di ba yung inflation rate natin eh na-control nila ‘yun, ang dami nilang ginawang measures eh, magagaling nga sila eh,” dagdag ni Panelo.

Makasaysayan aniya ito dahil ito ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na siyam na taon.

TAGS: economic managers, GDP growth, Palasyo ng Malakanyang, psa, Sec. Salvador Panelo, economic managers, GDP growth, Palasyo ng Malakanyang, psa, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.