Wanted posters ng iba pang suspek sa Maguindanao massacre case, ipakakalat ng PTFoMS

Sisimulan na ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpapapakalat ng mga wanted posters para sa mga nalalabing suspek sa Maguindanao massacre case.

Ayon kay PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Egco, aabot pa sa 80 suspect ang at large ngayon.

Sa naturang bilang, 14 ang galing sa makapangyarihan at maimpluwensyang panilya ni Andal Ampatuan na mastermind sa masaker.

Ayon kay Egco, ipakakalat nila ang mga posters sa buong bansa.

Bukod sa mga posters may dagdag personnel aniya ang PTFoMS sa Luzon, Visayas at Mindanao

Umaasa si Egco na malaking tulong ang mga posters para maaresto ang mga suspek.

December 2019 nang hatulan ng korte sina Maguindanao Mayor Datu Andal Ampatuan Jr., dating ARMM governor Datu Zaldy “Puti” Ampatuan at iba pa ng buhay na pagkabilanggo.

Read more...