55-anyos na ginang timbog sa droga sa Malabon

By Ricky Brozas January 23, 2020 - 12:30 PM

Kulungan ang kinabagsakan ng isang 55 -anyos na babae matapos mahulihan ng iligal na droga sa Barangay Longos, Malabon.

Umamin din ang suspek na gumagamit siya ng shabu.

Rumesponde ang mga otoridad sa sumbong na may ginagawang iligal ang ginang na nahulihan ng anim na sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P17,000.00

Wala umanong trabaho ang suspek na suma-sideline lamang sa pagtutulak ng droga para kumita ng pera.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

TAGS: drugs, Malabon, drugs, Malabon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.