BI at NBI tutulong na rin sa paghahanap sa kaanak ng Tsino na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2020 - 12:14 PM

Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na hanapin ang magpapamilya na Chinese Nationals na pumasok sa bansa mula Hong Kong matapos magpositibo ang kanilang Padre de pamilya sa 2019 novel coronavirus.

Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay inatasan na rin na hanapin ang mga nakasabay sa eroplano ng mga ito.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kailangan kasing i-restrict ang galaw ng mga ito para maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Nauna nang kinumpirma ng Cebu Pacific na bumiyahe patungong Pilipinas sakay ng kanilang flight ang mga Tsino na magkakamag-anak mula sa Wuhan, China.

Sa ngayon ay hinihingi na ng DOH ang flight manifesto ng Cebu Pacific upang mabatid ang ilang mahahalagang impormasyon kaugnay sa mga pasaherong Tsino.

TAGS: Cebu Pacific Flight, chinese family, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cebu Pacific Flight, chinese family, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.