Ayon kay Immigration Port Operations Division Chief GriftonMedina, base sa intelligence information mula sa kanilang foreign counterparts, kilala ang naturang Briton na sangkot sa ilang terrorist activity kaya isinama na gad nila sa kanilang alert list.
Samantala, hinarang din ng Immigration sa NAIA ang isang babaeng Mongolian na nadiskubreng wanted pala dahil sa pambubugbog sa kanyang asawa at ang isang Briton na kabilang umano sa mga hinihinalang terorista mula sa United Kingdom.
Ayon kay Medina, pinigilan sa NAIA ang 33-anyos na si Unurjargal Altantsetseg na unang lumapag sa Mactan Cebu International Airport mula sa Incheon, South Korea.
Sinabi ni Medina na ang naturang Mongolian ay kasama sa red notice ng Interpol noong April 2019 dahil sa kasong assault at maltreatment sa Ulan Bator, Mongolia dahil sa pananakit sa kanyang asawa na nabulag at nagtamo ng serious physical injuries.
Agad na isinakay sa unang available na flights ang dalawang dayuhan pabalik sa kanilang pinanggalingang bansa.