Tatlong police colonels sinibak dahil sa paglalaro ng golf

Photo grab from PNP’s Facebook live
Sinibak sa puwesto ang tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglalaro ng golf habang naka-duty.

Ayon kay PNP Chief, Director General Archie Gamboa, bawal sa mga kasapi ng PNP ang maglaro ng golf mula Lunes hanggang Biyernes sa kahit anong oras.

Pawang mga nakatalaga sa Central Visayas ang tatlong police colonel pawing inalis sa kanilang puwesto.

Bagaman paulit-ulit na pinagsasabihan ang mga ito na bawal ang maglaro ng golf kapag weekdays ay paulit-ulit din na sumusuway ang mga opisyal.

Ang tatlo ay pinagreport na sa Camp Crame at nahaharap sa kasong administratibo.

Naka-assign sa finance service at drug enforcement group ang mga sinibak.

Read more...