Naarestong suspek sa pagpatay kay dating Batangas Cong. Mendoza at kaniyang mga aide umamin sa krimen

Umamin sa kaniyang ginawang krimen ang naarestong suspek sa pagpatay kay dating Batangas Rep. Edgar Mendoza at dalawa niyang aides na natagpuang sunog na sunog sa loob ng isang kotse sa Quezon.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief Joel Coronel, limang suspek ang hawak na ngayon ng mga pulis at isang Sherwin Sanchez Punzalan ang itinuturo nilang nag-utos na ipapatay si Mendoza.

Si Sanchez ay convicted sa kasong murder noon pang 2015 at nakakulong ngayon sa Bilibid,

Ayon kay Coronel, noong araw na nawala si Mendoza, kukulekta dapat siya ng pera mula sa mga ipinadalang kinatawan ni Punzalan sa Calamba, Laguna.

Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sa panig ni Mendoza at Punzalan sa halaga ng perang kailangang kulektahin.

Ayon kay Coronel, kliyento ni Mendoza bilang abogado si Punzalan.

Ang isa sa mga suspek na nakilalang si “Balbastro” ay umano na kinuha nila si Mendoza pinagsasaksak, at hinampas sa ulo.

Patay na umano ang mga biktima nang dalhin sa Tiaong, Quezon at doon sinunog.

Read more...