Higit 300,000 indibiduwal apektado ng pagsabog ng Taal sa buong CALABARZON area
Aabot na sa mahigit 300,000 indibiduwal ang apektado nang pagsabog ng Taal volcano sa CALABARZON.
Ito ay batay sa ulat huwebes ng umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa pinakahuling situation report ng NDRRMC kabuuang 81,067 na pamilya o katumbas ng 316,989 na indibiduwal ang apektado ng kalamidad.
Sa naturang bilang, 39,811 na pamilya o 147,873 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 500 evacuation centers sa buong rehiyon.
Ayon sa NDRRMC kabuuang P27,479,948.79 na halaga naman ang naibigay na sa mga apektadong indibiduwal ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.
Nananatili ang Alert Level 4 sa bulkang Taal. Sabi ng PHIVOLCS, hindi nagbuga ng abo ang bulkan simula alas 5:00 umaga ng miyerkules, pero nananatili ang posibilidad na magdulot pa rin ito ng hazardous eruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.