Bahagi ng NLEX Bocaue SB isasara sa mga motorista bukas, Jan. 24

Apat na oras isasara sa mga motorista ang bahagi ng NOrth Luzon Expressway Bocaue Southbound bukas, Biyernes (Jan. 24).

Ayon sa abiso ng NLEX Corporation, gagawin ang closure alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Ito ay dahil sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng bagong tulay sa Bocaue Interchange na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Magpapatupad ng counterflow scheme sa northbound sa oras na nakasara ang southbound.

Read more...