40 pamilya nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa QC
Aabot sa apatnapung pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City.
Dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy na sinasabing sanhi nang bingas ng welding.
Reklamo ng mga nasunugan, may nagwewelding daw kasi sa ikatlong palapag ng kanilang katabing bahay at ang bingas ng welding ay bumabagsak sa kanilang bubungan.
Ayon kay Fire Inspector Sherwin Penafiel, Chief, Arson Investigator ng QC-BFP dapat may kaukulang hot works permit kapag magsasagawa ng welding.
Gayunman, iimbestigahan pa nila kung ito nga ang sanhi ng sunog.
Pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Brgy. Ramon Magsaysay ang mga nasunugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.