Batas na magpapataw ng dagdag buwis sa alak at e-cigarettes aprubado na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu January 23, 2020 - 07:49 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magpapataw ng dagdag buwis sa alak at e-cigarettes.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Radyo Inquirer.

Sa ilalim ng ng bagong batas, tataas ang sin tax sa alak ng P35 hanggang P50 habang ang e-cigarettes naman ay tataas ng P25 hanggang P45.

Magiging elektibo ang dagdag buwis ngayong taon.

Gagamitin ang malilikom na buwis bilang pang pondo sa Universal Health Care Law.

Tinatayang mahigit sa P20 bilyon ang makukuhang buwis ng pamahalaan sa dagdag na sin tax sa alak at e-cigarettes

Hindi naman tinukoy ni Medialdea kung kailan nilagdaan ng pangulo ang bagong batas.

TAGS: e-cigarettes, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sin Tax, Tagalog breaking news, tagalog news website, Universal Health Care, e-cigarettes, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sin Tax, Tagalog breaking news, tagalog news website, Universal Health Care

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.