Indefinite suspension ng klase sa Tagaytay City iniutos ni Mayor Agnes Tolentino
Suspendido ang klase sa lahatan ng antas sa Tagaytay City hangga’t nakataas ang alert level 4 sa Bulkang Taal.
Sa liham ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino kay Rommel Bautista ang Schools Division Supervisor sa lalawigan ng Cavite, ang suspensyon ng klase ay para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
Sinabi ni Tolentino na magsasagawa din ng karagdagan pang assessement sa bisinidad ng mga paaralan lalo na sa mga nasalanta ng ashfall.
Ani Tolentino patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan at maglalabas ng update sa class suspension kapag may development sa aktibidad ng Bulkang Taal.
Samantala sa BaTangas, balik-klase na ang mga College students ngayong araw sa mga paaralan na nasa labas ng 14-kilometers danger zone.
Sinabi ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na kumuha siya ng clerance mula sa Phivolcs para sa pagbabalik ng klase sa kolehiyo sa mga nasa labas ng danger zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.