Resolusyon sa kaso ng 90 akusado sa Mamasapano encounter tatapusin sa loob ng 3-4 na linggo
Tatapusin ng Department of Justice sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo ang kaso ng 90 itinuturong nasasangkot sa pagpatay sa 35 miyembro ng Special Action Force mula sa 55th Special Action Company (SAC) sa madugong Mamasapano encounter.
Ayon kay Justice acting Secretary Emmanuel Caparas, maraming mga ebidensyang kinailangang suriin ang mga prosecutors ng DOJ upang madetermina kung maisusulong ang mga kasong direct assault with murder laban sa mga akusado.
Mahalaga aniyang malakas ang mga ebidensyang ihaharap ng panig ng DOJ laban sa mga ito upang matiyak na magkakaroon ng kahihinatnan ang kasong kanilang posibleng isampa labansa mga akusado.
Matatandaang noong January 14, tinapos na ng mga prosecutors ang preliminary investigation laban sa 90 itinuturong pumatay sa mga SAF troopers.
Sa 90 inirereklamo, apat lamang sa mga ito ang naghain ng kanilang counter-affidavit.
Ang mga suspek ay bahagi ng puwersa ng MILF, BIFF at mga private armed groups na nagtulong-tulong upang ubusin ang 35 sa SAF Commandos sa maisan sa Bgy. Tukanalipao, Mamasapano Maguindanao noong January 25, 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.