Pamunuan ng MRT-3, pinasinungalingan ang kumalat na impormasyon ukol sa umano’y nahuling suicide bomber sa Taft Ave. station

Pinasinungalingan ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kumalat na impormasyon sa social media ukol sa umano’y nahuling suicide bomber sa Taft Avenue station, araw ng Miyerkules.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DOTr MRT-3 na ang larawan ay bahagi ng isinasagawang ‘penetration test’ ng Philippine National Police (PNP) sa bahagi ng Cubao station bandang 2:20 ng hapon, araw ng Martes (January 21).

Layon anila ng penetration test na masubukan ang alertness o kapasidad ng seguridad sa isang lugar.

Dahil dito, tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na walang dapat ikabahala ang mga pasahero.

Hinikayat naman ng DOTr MRT-3 ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga maling impormasyon na ipinapakalat sa social media.

Ugaliin anilang i-verify ang mga nakakalap na impormasyon sa mga lehitimong source bago ikalat sa ibang tao.

Read more...