DOH, nakapagtala ng higit 3,700 kaso ng mga pangkaraniwang sakit sa evacuation centers
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 3,700 kaso ng pangkaraniwang sakit sa mga itinalagang evacuation center.
Sa “Kapihan sa Manila Bay” media forum, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa kabuung 3,773 na kaso ang naitala sa mga bakwit na inilikas bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Ilan aniya sa mga kaso ay nagkaroon ng lagnat, ubo, sipon at diarrhea.
Mayroon din aniyang kaso ng hypertension sa mga may edad na bakwit.
Maliban dito, sinabi ni Duque na may ilang bakwit din ang nagkaroon ng minor injuries, maging eye at skin irritation dahil sa abo.
Tiniyak naman ng kalihim na agad isinasailalim sa konsultasyon ang mga nagkakasakit na bakwit at binibigyan ng mga kinakailangang gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.