Walang naitalang ash emission sa Bulkang Taal simula Miyerkules ng umaga – Phivolcs
Walang naitalang ash emission sa Bulkang Taal simula 5:00, Miyerkules ng umaga.
Sa inilabas na Taal volcano advisory bandang 4:00 ng hapon, sinabi ng Phivolcs na ito ay base sa kanilang seismic records at visual observations.
Gayunman, tinatangay naman anila ng malakas na hangin ang abo na bumabalot sa bulkan sa direksyong Southwest na nakakaapekto sa mga bayan ng Lemery at Agoncillo sa probinsya ng Batangas.
Sinabi ng Phivolcs na nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
Ibig-sabihin, posible pa rin anilang makaranas ng hazardous explosive eruption sa mga susunod na oras o araw.
Inirerekomenda pa rin ng Phivolcs ang total evacuation sa Taal Volcano Island at sa high-risk areas na sakop ng 14-kilometer raduis mula sa Taal Main Crater at sa Pansipit River Valley kung saan namataan ang ilang fissures o bitak sa lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.