Sen. Dela Rosa, kunimpirmang nakansela ang kaniyang US visa

By Angellic Jordan January 22, 2020 - 04:27 PM

Kinumpirma ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nakansela ang kaniyang US visa.

Ayon sa senador, sinagot na ng United States Embassy ang ipinadalang katanungan hinggil sa kanselasyon ng kaniyang visa.

Wala naman aniyang binigay na petsa kung kailan nakansela ang visa nito.

Sinabi ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na pinayuhan siyang mag-apply muli kung nais kumuha ng panibagong US visa.

Ani Dela Rosa, sasamahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling magdesisyon na dumalo sa US-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Las Vegas sa darating na March 14.

Ito ay kung ibabalik aniya ang kaniyang visa.

TAGS: kanselasyon ng US visa, Ronald dela Rosa, US visa cancellation, US visa cancellation of Sen. Dela Rosa, kanselasyon ng US visa, Ronald dela Rosa, US visa cancellation, US visa cancellation of Sen. Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.