Sa pulong balitaan sa Malakayang, sinabi ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na makakamit ito sa loob ng taong kasalukuyan.
Pebrero ng nakaraang taon nang mangako si Pangulong Duterte na magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula Cubao patungong Makati sa December 2019 subalit hindi naman natupad.
Pero ayon kay Villar, hindi sa EDSA lamang maaring dumaan ang mga motorista para makuha ang limang minutong biyahe mula Cubao patungong Makati.
“Hindi naman niya sinabi na through Edsa. The President just said Makati to Cubao, five minute. Puwedeng Edsa, puwedeng Skyway. Kasi remember hindi naman lahat…may mga tao na willing magbayad,” ayon sa kalihim.
Patapos na aniya ang Metro Manila Skyway Stage 3 na magmumula sa Buendia, Makati City patungong Balintawak, Quezon City at mabubuksan sa Abril o Mayo ngayong 2020.
Mula sa dalawang oras na biyahe, maiigsan aniya ito at maaring maging 15 hanggang 20 minuto na lamang.
Aabutin lamang aniya ng P4 hanggang P5 kada kilometro ang toll fee sa Skyway 3.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu: