Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na ito ay dahil sa malapit nang matapos ang Skyway Stage 3 na 18.3 kilometers na magmumula sa Buendia, Makati patungong Balintawak, Quezon City na maidi-deliver sa Abril o Mayo ng taong kasalukuyan.
Kapag nagkataon, humigit-kumulang sa 100,000 sasakyan ang mababawas sa EDSA kada araw.
Bukod dito, mabubuksan na rin aniya ang Harbor Link Extension na magkokonekta naman sa port area sa Maynila sa South at North Luzon Expressway sa March 2020.
Kapag nagbukas aniya ang Harbor Link, 30,000 sasakyan, karamihan sa mga truck, ang mababawas sa EDSA kada araw.
Ayon kay Villar, matatapos na rin sa unang quarter ng susunod na taon ang Bonifacio Global City (BGC) Bridge pati na ang Estrella-Pantalleon bridge, Binondo-Intramuros bridge at C6.
Tuloy din aniya ang konstruksyon ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), South Link at iba pa.
“By next year we will be able to deliver the bridge projects in BGC. by the first quarter yung BGC bridge. Estrella-Pantaleon bridge, Binondo-Intramuros and then yung ibang projects po yung C6, continuous implementing it. yung NAIEX extension. Sa south link. So in total, starting this year we will see every year na magkakaroonn ng improvement sa EDSA . Drastic improvement. So as early as the first half of this year, mababawasan na po yung traffic ng EDSA. by almost…ang prediction namin between 20 to 30 percent ang magiging improvement sa EDSA by the second half of this year,” ayon sa kalihim.
Ayon kay Villar, asahan na magkakaroon ng malaking pagbabago sa EDSA sa 2020 at sa mga susunod na taon.
Pangako pa ni Villar, ibabalik ng DPWH sa dating capacity ang EDSA na 288,000 na sasakyan lamang ang dumadaan kada araw sa taong 2022 kumpara sa kasaluikuyang 400,000 na sasakyan kada araw.
“The capacity of EDSA is approximately 288,000 cars per day. based from our projections currently the usage of EDSA is 400,000 per day. Based from our projections we will be able to relieve EDSA by at least 120,000. Bring it back to original capacity. Pero sa tingin ko hindi lang 120,000. Kapag natapos na yung mga projects ng EDSA decongestion mahigit pa sa 120,000 ang mawawala sa EDSA,” dagdag ni Villar.