Pamilya Villar, hindi interesado sa water distribution business

Kuha ni Chona Yu

Hindi interesado ang pamilya ng business tycoon na si Manny Villar sa pumasok sa pagnenegosyo sa tubig.

Pahayag ito ng anak ni Villar na si Public Works Secretary Mark Villar matapos lumutang ang pangalan ng pamilya Villar na posibleng pumasok sa water distribution business dahil pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tagilid na kontrata na pinasok ng Maynilad at Manila Water sa gobyerno.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ng nakababatang Villar na walang interes ang kanyang pamilya.

Gayunman, sinabi ni Villar na wala siya sa posisyon na sagutin ang isyu dahil wala naman siyang involvement sa negosyo ng kanyang pamilya.

Read more...