LOOK: Yassi Pressman, nagsalita na ukol sa kinasasangkutang isyu ng kapatid sa hiwalayang JaDine

By Angellic Jordan January 22, 2020 - 02:44 PM

Nagsalita na ang aktres na si Yassi Pressman ukol sa kinasasangkutang isyu ng kaniyang kapatid na si Issa sa paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre.

Si Issa kasi ang itinuturong dahilan ng ilang netizen sa breakup ng JaDine matapos kumalat ang ilang larawan at video na naghahalikan umano sina James at Issa.

Sa Instagram, nag-post ng larawan si Yassi kung saan makikitang kasama niyang kumain at uminom ng wine si Nadine.

Kinunan aniya ang kanilang larawan ni Nadine kagabi lamang, January 21.

Sa caption nito, sinabi ng aktres na hindi papatol ang kaniyang kapatid sa lahat ng paratang laban dito.

Ngunit bilang nakatatandaang kapatid, sinabi ni Yassi na hindi niya kayang hayaan na panoorin na lamang ang patuloy na ibinabatong masasakit na salita kay Issa.

Noong una, tinawanan lamang aniya nila ang kumakalat na isyu.

Ngunit, sinabi ni Yassi na labis na ang mga ibinabatong pahayag ng ilang netizen at para sa aktres, ito ay hindi na tama.

“Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at ‘di na yun tama,” ani Yassi.

Dagdag pa nito, ayaw na nilang patulan ang mga kontrobersya ngunit hindi napagdesisyunan nilang mag-post dahilhindi tama ang cyber-bullying.

Dapat aniya maging maingat ang lahat sa pagbibitaw ng mga salita lalo na sa social media.

“Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information,” ani Yassi kasama ang hashtag #thinkbeforeyouclick.

TAGS: Issa Pressman, JaDine, JaDine breakup, james Reid, Nadine Lustre, Yassi Pressman, Issa Pressman, JaDine, JaDine breakup, james Reid, Nadine Lustre, Yassi Pressman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.