PCG tuloy pa rin ang paghahanap sa pitong nawawalang mangingisda sa Pangasinan

By Ricky Brozas January 22, 2020 - 12:22 PM

Buo pa rin ang pag-asa ng Philippine Coast Guard na matatagpuan pa rin ang pitong mangingisda na nawala sa Pangasinan.

Ayon kay Coast Guard Spokesman, Capt. Armand Balilo, patuloy ang sinasagawang search and rescue operation ng Coast Guard sa pitong mangingisda na nawala sa karagatang sakop ng Barangay Hermosa, Dasol, Pangasinan noong Enero 14.

Ang nawawalang mangingisda ay lulan ng FB Narem 2 na sina ship captain Alberto Roldan at mga crew na sina Roderick Montemayor, Homar Maglantay, Ejay Dela Cruz, Jerome Maglantay, Larry Legaspi, at Jefferson Bernabe.

Sa report sa PCG ni Christine Macaraig, ang may-ari ng bangkang pangisda, noong Enero a-6 pumalaot ang mga mangingisda ngunit noong Enero 14 na inaasahang sila ay makauwi ay hindi pa bumabalik sa Infanta, Pangasinan ang pito.

Nalaman din sa huling communication ng FB Narem alas-2:30 ng hapon noong Enero 13 na ang fishing boat ay sinalubong ng malalaking alon, 60 nautical miles san Camaso Island sa Dasol, Pangasinan.

Nananawagan ang PCG sa mga mangingisda sa lugar na ireport agad sa Coast Guard sakaling makita ang mga nawawalang mangingisda

TAGS: coast guard, Dasol, Inquirer News, missing fishermen, News in the Philippines, pangasinan, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, Dasol, Inquirer News, missing fishermen, News in the Philippines, pangasinan, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.