‘Tete-a-tete’ nina Pangulong Duterte at Panelo kasado na mamayang hapon
Mga maiinit na isyu gaya na lamang ng pagputok ng Bulkang Taal at iba pa ang tatalakayin mamayang hapon sa ‘tete-a-tete’ nina Pangulong Rodrigo Duterte at Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo, gagawin ang ‘tete-a-tete’ alas 5:00 ng hapon sa Heroes Hall sa Malakanyang.
Live din aniya na mapapanood ang kanilang one-on-one sa PTV 4.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na magkakaroon ng one-on-one sina Pangulong Duterte at Panelo.
September 2018 unang ginawa ang ‘tete-a-tete’ ng dalawa.
Ilan sa mga mahahalagang isyu ngayon ay ang imbitasyon ni US President Donald Trump kay Duterte na pumunta ng Amerika sa Marso para sa ASEAN Leaders Summit at ang kontrobersyal na kontrata ng Ayala Land Incorporated sa University of the Philippines sa UP Ayala Tehcnohub sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.