Turuan ng PNP at AFP hinggil sa Mamasapano encounter, pinahihinto na
Sa muling pagbubukas ng Senado ng imbestigasyon sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 Special Action Force troopers, muling nadiin ang turuan ng militar at pulis.
Sa hearing, muling nagtuturuan pa rin ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kung sino talaga sa kanila ang may mas mabigat na pananagutan sa nangyari.
Dahil dito, hinimok ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng PNP at AFP na tantanan na ang sisihan kaugnay sa Mamasapano encounter.
Simula aniya noong nag-umpisa ang imbestigasyon hanggang sa muling pagbubukas nito, wala nang ibang ginawa ang mga opisyal kundi mag-iringan at mag-turuan.
Ani Escudero, naniniwala siya sa konsepto ng “command responsibility,” ngunit dismayado aniya siya sa mga opisyal dahil tila puro utos o command lang sila pero walang balak umako ng responsibilidad.
Samantala, batid ni Escudero na nanatiling kapalpakan sa pagpa-plano at kakulangan sa coordination ang lumulutang na pangunahing dahilan kung bakit nai-sangkalan ang buhay ng mga SAF 44 sa Mamasapano encounter.
Ang imbestigasyon sa Mamasapano incident ay muling binuksan alinsunod na rin sa kahilingan ni Sen. Juan Ponce Enrile para magkaroon siya ng pagkakataon na itanong ang kaniyang mga sariling katanungan sa mga resource persons.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.