Vice mayor ng Talisay City maaring masampahan ng kaso ayon sa DILG

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 11:22 AM

Hindi mag-aatubili ang Department of Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng kasong administratibo si Talisay City Vice Mayor Charlie Natanauan kapag pinayagan nitong makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente na nakatira sa lugar na sakop ng danger zone.

Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing III, kapag hinayaan ni Natanauan na makauwi ang mga residente sa kabila ng umiiral na lockdown ay kikilos ang ahensya at sasampahan siya ng kaso.

Ito ay makaraang umapela mismo si Natanauan kay Pangulong Rodrigo Duterte para baguhin ang opinyon na inilalabas ng Phivolcs kaugnay sa aktbidad ng Bulkang Taal.

Ang Talisay City ay nasa loob ng 14-kilometer danger zone.

Dahil dito, wala na dapat residente na nakapapasok sa nasabing lungsod.

TAGS: Batangas, DILG, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Talisay City, Vice-mayor, Batangas, DILG, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Talisay City, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.