DOH umapela sa sa publiko na huwag magpakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon tungkol sa coronavirus
Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong mga balita at impormasyon tungkol sa coronavirus.
Pahayag ito ni Health Sec. Francisco Duque III, matapos kumalat sa Facebook ang mga posts na tila nagsasabing delikado ang kondisyon 5-taong gulang na bata na kinuhanan ng sample matapos makitaan ng sintomas.
Ayon kay Duque, bago magbahagi ng mga impormasyon ay dapat matiyak munang beripikado ang mga ito.
Hinimok din ni Duque ang publiko na tanging ang mga impormasyon mula sa DOH at sa iba pang sangay ng pamahalaan ang ibahagi.
Ayon kay Duque, bukas pa ng hapon inaasahang darating ang resulta sa pagsusuri sa bata dahil ipinadala ang sample sa Melbourne, Australia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.