P500K halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa limang suspek sa QC

Aabot sa P500,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa liamng suspek sa Quezon City.

Ikinasa ng mga otoridad ang operasyon sa General Avenue sa Tandang Sora, Miyerkules ng madaling araw.

Aabot sa 75 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Kasama sa naaresto ang isang alyas ‘Madam’ na kilalang supplier ng ilegal na droga sa Quezon City at sa Caloocan.

Itinanggi naman ni ‘Madam’ na nagtutulak siya ng ilegal na droga, pero ang apat na naaresto ay umaning gumagamit ng ilegal na droga at sa kaniya kumukuha ng suplay.

Read more...