Mahigpit na pagbabantay sa mga parating na pasahero sinimulan na sa mga paliparan
Inumpishan na ang paghihigpit sa mga pasaherong dumarating sa mga paliparan sa bansa.
Ito ay para matiyak na mapoprotektahan ang bansa sa paglaganap ng bagong strain ng coronavirus na galing sa Wuhan City, China.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nakasuot na ng masks ang mga otoridad sa paliparan na nakabantay sa thermal scanners sa NAIA.
Lahat ng mga pasahero na galing China ay masusing binabantayan.
Kung ang pasahero ay makikitaan ng sintomas ng lagnat o trangkaso ay agad itong isasailalim sa quarantine check.
Habang nasa flight, dapat ding sinusuri na ang mga pasahero kung sila ay mayroong sintomas ng trangkaso lalo na kung ang flight ay galing sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.