Biker cap ng tatlong ride-hailing firms itinaas sa 15,000 ng TWG

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 09:29 AM

Dinagdagan ng Technical Working Group ng Department of Transportation (DOTr) ang bilang ng riders na pwedeng iparehistro ng bawat service provider para sa motorcycle taxis.

Ayon kay TWG Chairman Antonio Gardiola Jr., mula sa 10,000 biker cap na kanilang ipinatupad bawat service provider ay itinaas ito sa 15,000.

Ito aniya ang napagkasunduan matapos ang pulong kahapon (Jan. 21) ng TWG sa tatlong ride-hailing firms na Angkas, JoyRide at MoveIt.

Una nang nagpatupad ng 39,000 na overall biker cap ang TWG para sa pilot testing ng motorcycle taxi.

Sa nasabing bilang 30,000 ay sa Metro Manila at 9,000 sa Metro Cebu.

Base sa panibagong napagkasunduan, bawat ride-hailing firm ay papayagan nang magkaroon ng 15,000 na riders dito sa Metro Manila at 3,000 naman na riders bawat ride-hailing firm sa Metro Cebu.

Napagkasunduan din sa pulong na iaatras na ng mga kumpanya ang kasong inihain nila sa korte laban sa TWG at nangako ding walang isasampang mga kaso sa kasagsagan ng pilot run.

TAGS: Angkas, biker cap, dotr, Inquirer News, JoyRide, motorcycle ride hailing app, MOVEIT, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, twg, Angkas, biker cap, dotr, Inquirer News, JoyRide, motorcycle ride hailing app, MOVEIT, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, twg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.