Karagdagang relief packages para sa mga pamilyang nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal ipapamahagi ng Coast Guard

Daan-daan pang relief packages ang ipamamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga paimlyang nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ang disaster response operations ay magkakatuwang na isinasagawa ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), PCG District – National Capital Region (NCR), at OB Montessori Community sa San Juan.

Noong nagdaang weekend ay nakapamahagi na ng P400,000 na halaga ng relief packages ang grupo sa mga evacuation center sa Batangas.

Laman nito ang mga damit, laundry cleaning products, personal hygiene materials, beddings, noodles, canned goods, at tubig.

Ngayong araw karagdagang 200 pang relief packages ang dadalhin ng Coast Guard sa Batangas.

Read more...