Babaeng bumalik ng Taiwan galing Wuhan City nagpositibo sa bagong strain ng coronavirus

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 07:39 AM

Isang babae na residente ng Wuhan ang nagpositibo sa kaso ng bagong strain ng coronavirus nang umuwi ito ng Taiwan.

Ang babaeng Taiwanese na nakatira na sa Wuhan City ay nagpakita ng sintomas ng lagnat, ubo at pananakit ng lalamunan.

Nakita ang sintomas nang dumating siya sa Taoyuan Airport kaya agad dinala sa ospital para masuri.

Nagositibo sa SARS-like coronavirus ang pasyente.

Sa ngayon binabantayan na ng mga otoridad sa Taiwan ang 46 na pasahero na nakasabay ng babae sa eroplano.

Itinaas na rin ng Centers for Disease Control ng Taiwan ang alerto nito sa mga bumibiyahe patungong Wuhan City.

Pinapayuhan ang mga residente na huwag nang magtungo sa Wuhan kung hindi naman importante.

TAGS: coronavirus, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, sars like, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taiwan, Wuhan City, coronavirus, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, sars like, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taiwan, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.