Temperatura sa Baguio City ngayong umaga bumagsak sa 11.4 degrees Celsius

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 07:27 AM

Nakapagtala ng malamig na temperatura sa Baguio City ngayong umaga ng Miyerkules, Jan. 22, 2020.

Ayon sa Office of the Civil Defense sa Cordillera, naitala angs malamig na 11.4 degrees Celsius sa Baguio City alas 5:00 ng umaga.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng OCD sa mga residente at turista sa lungsod na magsuot ng makakapal na damit.

Ipinapayo din ang pagsusuot ng hat, mittens at scarf.

Una nang sinabi ng PAGASA na apektado na ng Amihan ang buong bansa kaya aasahan na ang paglamig ng temperatura.

TAGS: baguio city, cold temperature, Inquirer News, News in the Philippines, ocd, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather, baguio city, cold temperature, Inquirer News, News in the Philippines, ocd, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.