Bulkang Taal tahimik sa labas pero patuloy sa pag-recharge ayon sa Phivolcs

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 07:07 AM

Patuloy ang aktibidad sa loob ng Bulkang Taal sa kabila ng tila pagtahimik nito sa labas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, mahihina ang usok at malaki ang ibinaba ng lumalabas na sulfur dioxide mula sa bunganga ng taal.

Pero ang ilalim ng bulkan ay patuloy aniya sa pag-resupply ng magma.

Ibig sabihin sinabi ni Solidum na nagre-recharge lamang ang bulkan at maari talaga itong magkaroon ng malakas na pagsabog anumang oras o araw.

Ito aniya ang dahilan kaya patuloy ang paalala nila sa mga residente na makinig sa mga babala at sumunod sa ipinatutupad na lockdown.

Paliwanag ni Solidum, kapakanan lamang ng mga residente ang tinitignan ng Phivolcs dahil labis na delikado kung biglang puputok muli ng malakas ang bulkan.

TAGS: batagas, Inquirer News, magma, News in the Philippines, PH news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tagaytay, batagas, Inquirer News, magma, News in the Philippines, PH news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tagaytay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.