53 empleyado ng Pasig City Hall na mahigit 20 taon nang contractual, na-regular na

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 06:42 AM

Makalipas ang mahigit 20 taon na pagtatrabaho bilang mga contractual o casual employee ay na-regular na rin sa wakas ang mahigit 50 empleyado ng Pasig City Hall.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, nagsimula ang regularisasyon sa mga empleyado ng Citiy Hall.

Karamihan sa kanila, mahigit 20 taon nang nagtatrabaho sa City Hall bilang casual employees.

Umabot sa 53 empleyado ang na-regular na, kasama ang empleyadong si Roberto Rodrigo na 43 taon nang casual.

Ayon kay Sotto, kabilang ito sa nagging pangako niya noong kampanya na aalisin ang palakasan o patronage sa City Government.

Matagal na aniyang tinatakot ang mga empleyado ng City Hall na kung hindi iboboto ang nakaupo ay hindi sila mareregular sa trabaho.

TAGS: casual, contractual employees, Inquirer News, News in the Philippines, Pasig City, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, regular employees, Tagalog breaking news, tagalog news website, casual, contractual employees, Inquirer News, News in the Philippines, Pasig City, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, regular employees, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.