Kaso ng bagong strain ng Coronavirus sa China at iba pang bahagi ng Asya umabot na sa 282

Umabot na sa 282 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit na dulot ng bagong strain ng coronavirus.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang naturang bilang ang kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV base sa pakikipag-ugnayan nila sa mga apektadong bansa.

Sa naturang bilang, 258 ay mula sa Hubei Province, China; 14 mula sa Guandonog, China; 5 mula sa Beijing, China; 1 mula sa Shanghai, China; tig-1 rin sa Japan at South Korea at 2 sa Thailand.

Una nang nagpatawag ng emergency meeting ang WHO para talakayin ang mabilis na paglaganap ng bagong strain ng coronavirus.

Read more...