Batangas provincial government nanawagan ng tulong na school supplies para sa mga estudyanteng evacuees

Maliban sa pagkain, damit, matutulugan at araw-araw na pangangailangan, umapela ang Batangas Provincial Government sa publiko na bigyan din ng school supplies ang mga estudyanteng evacuee.

Ayon sa Batangas Public Information Office, bilang paghahanda sa pagbabalik nila sa ekswelahan, kailangan ng mga mag-aaral ng mga gamit.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Notebook o writing book pang Kinder hanggang grade 6
– pad papers (grade 1 to 4)
– intermediate pad (grade 5 to 10)
– ballpen
– pencil jumbo
– pencil number 1
– eraser
– crayons (24 colors)
– glue (200 ml)
– gunting
– ruler
– scientific calculator
– school bag

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang mga donasyong gamit ay tiyak na malaking tulong sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyanteng nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Read more...