Buong bansa apektado na ng Amihan – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 05:51 AM

Apektado na ng Northeast Monsoon o Amihan ang buong bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, lalawigan ng Aurora at Quezon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, sa Metro Manila 21 degrees Celsius ang inaasahang minimum na temperatura.

Habang sa Baguio City, inaasahang 12 degrees Celisus ang maitatalang pinakamababang temperatura ngayong araw.

Wala namang binabantayang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

TAGS: amihan, Inquirer News, News in the Philippines, Northeast monsoon, Pagasa, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, amihan, Inquirer News, News in the Philippines, Northeast monsoon, Pagasa, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.