Mga Pinoy sa Moscow pinag-iingat dahil sa mga bomb threat

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 05:40 AM

Pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa Russia ang mga Filipino sa Moscow dahil sa bantang may sasabog na bomba.

Sa abiso ng embahada, lahat ng Filipino ay hinimok na sumunod sa mga babala at abiso ng mga otoridad mula sa Russian Federation.

Ito ay hinggil sa sunud-sunod na bomb threats sa buong Mosvow, partikular sa ‘Metro’ area, mga paaralan, shopping malls, mga korte at iba pang pampublikong mga lugar.

Bagaman napapaulat na peke ang mga bomb threat nakasaad sa abiso ng embahada na dapat tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa.

Kung mayroon umanong mga utos na lumikas ang mga apektadong lugar ay agad itong sundin.

TAGS: advisory, bomb threats, Inquirer News, Moscow, News in the Philippines, PH embassy in Russia, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Russia, Tagalog breaking news, tagalog news website, advisory, bomb threats, Inquirer News, Moscow, News in the Philippines, PH embassy in Russia, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Russia, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.